A quiet 82nd birthday for Dolphy

Know Your Roots Relocates Store
A quiet 82nd birthday for Dolphy
MANILA -- Hindi materyal na bagay kundi dagdag na lakas ng katawan ang hiling ng Comedy King na si Dolphy na nagdiwang ng kanyang ika-82 taong kaarawan kamakailan sa Hong Kong.
Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago kay Dolphy matapos manood ng musical show na Cats sa Cultural Center of the Philippines, kasama ang partner na si Zsa Zsa Padilla, sinabi ng aktor na nauubos na isa-isa ang mga nakasabay niya sa industriya.
"Dasal na lang. Kung maaari bigyan ka pa ng lakas para tumagal-tagal ka ng konti sa ibabaw ng lupa dahil yung mga kasama ko nauubos na isa-isa e," pahayag ni Dolphy sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
Nitong Martes ay iniulat na binisita agad ni Dolphy pagdating sa Pilipinas mula sa Hong Kong ang lamay ng pumanaw na komedyanteng si Redford White, na pumanaw dahil sa sakit na cancer.Bukod kay Zsa Zsa, kasama rin ni Dolphy sa Hong Kong ang anak na si Eric Quizon, at Kapuso star na si Uge, palayaw ni Eugene Domingo.Ayon sa ulat, si Dolphy raw mismo ang nagdesisyon na gawing tahimik ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon.
"Kasi wala namang puwesto sa bahay namin, nagrerenovate dun ngayon, nasa condo kami walang lugar. So, marami na 'kong birthday na malalaki, gusto ko tahimik naman,' paliwanag niya.
Tuwang-tuwa naman ang comedy king kay Eugene na halos kasabay niya ang kaarawan.
"Halos pareho kami ng birthday (ni Eugene), 23 siya, 25 ako. Sabado kami lumabas, 24 lumabas kami ni Eric…Masaya, puro tawanan ang nangyari, magulo kami," masayang kuwento ni Dolphy. -- GMANews.TV
There are no comments.