CATEGORIES
Get the Flash Player to see this player.

Know Your Roots Relocates Store

Entertainment

New show replaces 'Wowowee'


Print | Email to friend

Published:  July 30, 2010 | Author:  - -
Total Views: 324 | Rating: 

MANILA -- Mahigit dalawang buwan mula nang "magbakasyon" si Willie Revillame sa kanyang programa, inihayag ng ABS-CBN Network na tuluyan nang papalitan ang Wowowee," ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP).

Sa naturang ulat ng PEP nitong Martes na isinulat ni Rommel R Llanes, sinabi nito na nagpalabas ng opisyal na pahayag si G. Bong R. Osorio, head, ABS-CBN Corporate Communications, tungkol sa programa na ipapalit nila sa Wowowee. Nakasaad sa bahagi ng pahayag na naipaalam na umano kay Willie sa pamamagitan ng kanyang manager ang pagkansela sa Wowowee .

"Ang Pilipinas For The Win ay papalit sa Wowowee. Si Willie Revillame, sa pamamagitan ng kanyang manager, ay nasabihan na tungkol sa pagbabagong ito. Napaalam na rin kay Willie ang programang pinaplano para sa kanya at ito ay ipapahayag sa takdang panahon," nakasaad sa pahayag.Matatandaan na hiniling ni Willie sa pamunuan ng ABS-CBN sa kanyang sulat noong Mayo, na pakawalan na siya bilang talent. Napag-alaman na may bisa pa ang kontrata ng TV host sa naturang network hanggang sa susunod na taon." I have come to realize that my gratitude to the network would be more meaningful if I considered the impact of my recent actions which has placed the station in a bad light. This is among the reasons, as I will explain in this letter, that I humbly request the management, to release me as a talent of the network," nakasaad sa sulat ni Willie.

Nag-ugat ang pagbabakasyon ni Willie nang magpahayag ito ng sama ng loob sa isang entertainment host sa naturang network dahil umano sa pag-atake sa kanya, at sa kanyang programa. --GMANews.TV

 

There are no comments.

 

1 2 3 4 5
please rate this article poor   Excellent

Visitor's Comments! 

First / Last Name:

Email Address: